XXX Written by M. Peroramas Produced by The Beatmonx Naaalala ko pa date, high school, pare Meron akong kaklase, hayup na babae Ako'y suplado na smooth, nice move, swabe Di ko kinakausap, di ko type kunware Itatago ko na lang sa pangalang Janelle Usong uso pa noon yung pasahan ng papel Pero lahat ng gusot, nahahanapan ng lusot Kahit marameng nang-aasar: "Crush ka nung kulot!" "Sino? yung payatot na brush-up yung buhok? Kinse anyos pa lang ako, batang mapusok Malakas ang loob kahit labas ay marupok Kaya direkta kong sinabe at wala ng pautot Tinapat ko sya, sabi ko: Ikaw ang crush ko Tinanong ko sya ng past nya, sinagot nya ko ng Pasko Uminit ang Disyembre, biglang ginaw ng Mayo Recess na ba? Hindi pa pero break na tayo Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka Storya ng dati kong nobyang si Rossann Ako yung bestfriend nya slash utusan Magkaubusan man, walang iwanan Kahit magkaipitan, kame nagtutulungan Mano sa tatay, hatid-sundo sa bahay Kabiruan ang kapatid, kasundo ang nanay Kame ay natigilan at nagkakatitigan Dalawang magkaibigan na nagkaibigan Apat na taon, away bati, hila at tulak Hanggang sa isang araw bigla kameng nag-usap: "I need space" Noo nya'y nakakunot "Space? Bakit di ka na lang mag-astronaut" Tapos binanatan nya ko ng classic na palusot "It's not you, it's me" Sino? Yung umutot? Dinadaan ko sa biro kahit puso ko'y natibo Halos isang taon ko rin itong hindi pinahipo Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa Nais sana kitang
...